Mga Filipino, maaari nang makapagtrabaho sa ibang bansa – DFA

INQUIRER file photo

Maaari nang makabiyahe at makapagtrabaho sa ibang bansa ang mga Filipino.

Ito ay matapos magpatupad ng lockdown ang iba’t ibang bansa dahil sa COVID-19.

Base sa abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA), 26 na bansa na ang tumatanggap at nagpapasok sa mga Filipino.

Kabilang na rito ang Amerika, Japan, Malaysia, at Singapore.

Tanging ang mga Filipino lamang na may trabaho at residency visa ang pinapayagan naman sa Hong Kong na makapasok.

Read more...