Na-repatriate na overseas Filipinos, umabot na sa halos 60,000 – DFA

Umabot na sa 59,041 na overseas Filipinos (OFs) ang na-repatriate simula nang magpauwi ng mga Filipinong apektado ng COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Naitala ang nasabing datos mula February hanggang June 27.

Ayon sa kagawaran, sa nasabing bilang, 31,688 o 53.67 porsyento ang sea-based habang 27,353 o 46.33 porsyento ang land-based.

Sinabi ng kagawaran na patuloy pa rin ang repatriation sa mga nais umuwi ng Pilipinas.

Inabisuhan ng DFA ang sinumang OF na nais makauwi ng Pilipinas ay maaaring ipagbigay-alam sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.

Read more...