Pahayag ito ni Go matapos humirit ang PhilHealth na ipagpaliban na muna ang implementasyon ng batas sa pangambang masaid ang pondo.
“Gaya po ng parating sinasabi ko sa inyo na ipaglalaban ko na ma-implementa ang Universal Health Care Law at maisalba ang operasyon ng PhilHealth. Napaka-importante ng kalusugan. Prayoridad natin ‘yan ngayon lalo na sa pandemic na ito,” pahayag ni Go na chairman ng Senate Committee on Health.
Ayon kay Go, hindi maaring pumalya ang Philhealth dahil nangako ang administrasyon na sagot ang gastusin sa pagpapaospital.
“Napakaimportante po ng PhilHealth sa atin at iyong health care system natin. We cannot afford na mag-falter o mag-fail dito sa mga succeeding years pa po. Dahil nangako tayo. Inaprubahan po ito ng Kongreso, iyong UHC Law, at iyon—lalung-lalo na po sa mga mahihirap nating mga kababayan na wala pong pambayad talaga. Umaasa po na sasagutin po ng PhilHealth iyong mga kulang,” pahayag ni Go.
Umaapela rin si Go sa mga kapwa mambabatas na rebyuhin ang batas para masiguro na mabinigyan ng maayos na serbisyo ang taong bayan.