Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Sabado ng hapon (June 27), umabot na sa 34,803 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 23,667 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 738 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 560 ang “fresh cases” habang 178 ang “late cases.”
Nasa 12 pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,236 na.
Ayon pa sa DOH, 249 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 9,430 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES