Aniya, dapat linawin at ipaliwanag ng Meralco ang pagsirit ng electric bills gayun walang nangyaring meter reading nang pairalin ang enhanced community quarantine.
“Maraming mga reklamo hinggil sa mataas na electricity bill na natanggap ng consumers. Kailangan ipaintindi ng maayos ang pinagbasehan nito. Importanteng masiguro na tama at patas ang aplikasyon nito para hindi dumagdag sa pinapasan ng ating mga kababayan,” diin ng senador.
Una nang inihayag ni ERC Chair Agnes Devanadera na inulan sila ng mga reklamo dahil sa nagtaasan na electric bills kayat inatasan nito ang Meralco na isumite sa kanila ang lahat ng datos na pinagbasehan ng singil sa kuryente.
Kayat hinimok ni Go ang ERC na imbestigahan pa ang isyu dahil nakakadagdag pa ito sa mabibigat na intindihin ng taumbayan.
“Naghihirap na ang mga Pilipino at marami nang nagkakasakit, dadagdagan pa ng sakit sa ulo dahil sa pag-intindi ng hindi klarong mga patakaran ukol sa bayarin,” himutok ni Go.