Army man, 2 pa timbog sa P6.8-M shabu bust ng PDEA

Naka-uniporme pa ang isang tauhan ng Philippine Army nang arestuhin ng mga operatiba ng PDEA sa ikinasang buy-bust operation sa Ever Gotesco Mall sa Quezon City, Sabado ng umaga.

Bukod kay Army Pfc. Omar Salillaguia, tauhan ng AFP Joint Task Force – NCR, naaresto din sina Amel Abdul, 31-anyos at Jonaid Londoy, 27-anyos.

Sa paunang ulat ni OIC Rogelio Daculla kay PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva, unang napagkasunduan na sa Mall of Asia ang pagkikita ngunit nagbago ang isip ng mga suspek at sinabi na sa Ever Gotesco Mall na ang bentahan.

Nakuha sa tatlo ang isang kilo ng shabu na may halagang P6.8 milyon.

Read more...