LOOK: Mahigit 600 OFWs dumating sa Clark Airport

Dumating sa Clark ang mahigit 600 pang overseas Filipino workers (OFWs) ngayong araw ng Biyernes, June 26.

Isinailalim sa swab test ang lahat ng bagong uwing OFWs.

Pawang galing sa Barbados at Dubai, ang mga umuwing OFW na pansamantalang mananatili sa hotels habang hinihintay ang resulta ng kanilang RT-PCR tests.

Maguguitang kamakailan ay pinayagan na ang paggamit sa Clark International Airport para sa mga parating na OFWs.

Ito ay para maiwasan ang pagiipon sa Metro Manila ng mga uuwing OFWs.

 

 

Read more...