Calayan, Cagayan niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

(UPDATE) Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang lalawigan ng Cagayan .

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 56 kilometers southwest ng bayan ng Calayan, alas-7:54 gabi Biyernes (June 26).

May lalim na 29 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity V – Calayan, Cagayan
Intensity III – Bacarra, and City of Laoag, Ilocos Norte; Flora, Apayao
Intensity II – Sinait, Ilocos Sur

Instrumental Intensities:
Intensity IV – Pasuquin, Ilocos Norte
Intensity II – Vigan City

Ayon sa Phivolcs posibleng magdulot ng pinsala ang naturang pagyanig.

 

 

 

Read more...