Bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, sumampa na sa 600

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Biyernes ng gabi (June 26), 632 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Ito ay matapos makapagtala ng 53 bagong kaso ng COVID-19 sa PNP.

648 na pulis ang itinuturing na probable cases habang 949 ang suspected cases.

Umakyat naman na 334 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Nasa siyam na pulis naman ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

 

 

Read more...