Katuwiran ng senadora malaking tulong sa mga mananakay ng Metro Manila kung makakabiyahe na rin ang mga traditional jeepney.
Kailangan lang din aniya ang makakasunod sa safety and health protocols ang PUJs.
Pinansin ng namumuno sa Senate Committee on Public Services ang hirap ng mga komyuter araw-araw sa kanilang pagbiyahe dahil kulang pa rin ang mga pampublikong sasakyan na pumapasada.
“Sinasabi nila (LTFRB) na maglalabas sila ng 1,500 modern jeepney next week. Ang talagang kabuuang numero ng mga jeep sa Metro Manila lamang ay 60,000. Papaano nila masasabi na ‘pag-aaralan natin kung ano ang kulang,’ talagang kulang pa rin kung magkakaroon tayo ng moderate GCQ. Kung dati kulang na, kung babawasan pa, mas lalong magkukulang,” sabi ng senadora.
Dagdag pa nito, “Noon ko pa sinasabi na hangga’t roadworthy dapat payagan ang pamamasada na ‘yan. Kung kakarag-karag na, smoke belcher, hindi na ligtas ay huwag talaga payagan ‘yan.”
Diin pa ni Poe hindi naman siya kontra sa jeepney modernization program ngunit kailangan lang intindihin ang daing ng mga jeepney driver dahil higit tatlong buwan na rin silang walang kabuhayan.