BREAKING: Dating Senador Ramon Revilla Sr., pumanaw na sa edad na 93

Pumanaw na sa edad na 93 si dating senador Ramon Revilla Sr.

Sa kaniyang Facebook live, kinumpirma ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., ang pagpanaw ng ama.

“Wala na po ang tatay ko, please pray for him,” umiiyak na pahayag ng senador.

Ipinakita din ni Senator Revilla sa pamamagitan ng Facebook Live ang eksena sa hospital room matapos pumanaw ang kaniyang ama.

Kahapon (June 25) ng umaga nag-post sa kaniyang Facebook si Senator Revilla at humiling ng dasal sa pinagdaraanan ng kaniyang ama.

Noong May 31 nang gabi nang isugod sa ospital ang nakatatandang Revilla matapos mahirapan na huminga. ‘

Ilang araw din itong namalagi sa ICU ng St. Luke’s sa BGC at noong June 14 nang mailipat pa sa regular room matapos bumuti ang kondisyon.

Si Ramon Revilla Sr. ay naging senador ng bansa noong 1992 hanggang 2004.

Sa larangan naman ng showbiz, kilala si Revilla bilang e “Hari ng Agimat”.

 

Read more...