Kaso ng COVID-19 sa Parañaque City 992 na

Nakapagtala pa ng dagdag na kaso ng COVID-19 sa Parañaque City.

Hanggang Biyernes (June 26) ng hapon umabot na sa 992 ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 225 ang aktibong kaso, habang 710 naman ang gumaling na.

Mayroon namang 57 na pumanaw sa lungsod dahil sa sakit.

Narito ang bilang ng mga aktibong kaso sa mga barangay:

Baclaran – 8
Don Galo – 0
La huerta – 0
San Dionisio – 17
San Isidro – 16
Sto Niño – 17
Tambo – 32
Vitalez – 7
BF Homes – 42
Don Bosco – 10
Marcelo Green – 10
Merville – 4
Moonwalk – 10
San Antonio – 12
San Martin De Porres – 8
Sun Valley – 12
Unknown barangay – 20

 

 

Read more...