Valenzuela City nagtatayo na ng sariling testing laboratory

Puspusan na ang ginagawang konstruksyon sa sariling testing laboratory ng Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, inaasahang sa susunod na buwan ng Hulyo ay matatapos na ang pagtatayo ng Hope Molecular Laboratory sa lungsod.

Sa sandaling maging operational ay inaasahang mas mapapabilis nito ang proseso ng COVID-19 testing sa lungsod.

Ang Valenzuela ay matagal nang nagsimula sa pagsasagawa ng kanilang targeted mass testing.

 

 

 

Read more...