Dalawang barko ng 2Go maghahatid ng LSIs sa Bacolod, Iloilo at CDO

Mayroong dalawang barko ng 2Go ang biyaheng Bacolod, Iloilo, at Cagayan de Oro para maghatid ng locally stranded individuals (LSIs).

Ngayong araw ng Biyernes (June 26) ang alis ng barko sakay ang mga LSI para iuwi sa kanilang mga lalawigan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito na ang huling batch ng mga LSI na pauuwi sa mga lalawigan na hindi pa naisasailalim sa RT PCR tests.

Sa mga susunod na araw, ang mga LSIs na babalik ng probinsya ay dapat naisailalim muna sa RT-PCR tests bago ibiyahe.

 

 

Read more...