COVID-19 cases sa Quezon City, umabot na sa 3,136

Pumalo na sa mahigit 3,100 ang mga nagpositibo sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 3,136 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Biyernes ng umaga (June 26).

Sa nasabing bilang, 3,058 ang COVID-19 cases na may kumpletong address.

3,026 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 1,022 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

1,778 naman ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod habang 226 ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 2,001 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

 

 

Read more...