Pagbisita sa sementeryo pwede na ayon sa IATF

Pinapayahan na ng Inter Agency Task Force ang pagbisita sa mga sementeryo pero hindi pa rin pwede ang maramihang pagbisita.

Ayon ka presidential spokesperson Harry Roque, pwdeng bumisita sa sementeryo ang hanggang 10 katao.

Sinabi ni Roque na nasa management na ng mga sementeryo ang pagpapatupad ng health measures.

Kailagan aniyang matiyak na naipatutupad ang minimum public health standards gaya ng social distancing.

Magugunitang sa pagbabawal ng mass gatherings ay kabilang sa hindi pinayagan ang pagtungo ng maramihan sa mga sementeryo.

 

 

Read more...