IATF may rekomendasyon na para sa bagong paiiraling quarantine measures pagpasok ng buwan ng Hulyo

Si Pangulong Rodrigo Duterte muli ang mag-aanunsy ng bagong ipatutupad na quarantine classifications.

Ayon sa Malakanyang gagawin ng pangulo ang anunsyo bago o mismong sa June 29.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque may rekomendasyon na ang Inter Agency Taks Force kay Pangulong Duterte.

“May rekomendasyon na po pero this is subject to review by the President. Anyway, the President will announce on or before the 29th, I believe,” ayon kay Roque.

Naipaalam na rin sa mga local government units kung anong quarantine restrictions ang iiral sa kanilang mga nasasakupan pagkatapos ng June 30 para may pagkakataon silang umapela.

Ang GCQ sa Metro Manila at maraming iba pang mga lugar ay tatagal lamang hanggang sa June 30.

Habang angCebu City naman ay nakasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) at angs Talisay City ay modified ECQ.

 

 

Read more...