52 sa 54 na Coast Guard personnel na tinamaan ng COVID-19 naka-recover na

Gumaling na ang 52 mula sa 52 na tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpositibo sa COVID-19.

Pahayag ito ni PCG Vice Admiral George Ursabia sa televised brieifing.

Ayon kay Ursabia, lahat ng tauhan ng PCG na nagkaroon ng COVID-19 ay pawang asymptomatic.

Dahil dito, positibo ang PCG na makaka-recover ang tatlo pang pasyente.

Sinasagot ng PCG ang pagkain at vitamins ng mga tauhan nilang naapektuhan ng sakit.

Kasabay nito, pinalakas na rin ng Coast Guard ang psycho-social support sa pamamagitan ng pagsasagawa ng debriefing at destressing program sa kanilang mga tauhan.

 

 

Read more...