Pari sa Zamboanga nasawi sa aksidente

Pumanaw sa aksidente ang isang pari sa Archdiocese ng Zamboanga.

Ayon sa ulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Fr. Alfredo Alabado, 54 at parish priest ng Our Lady of Fatima Parish ay pumanaw sa aksidente hatinggabi ng Huwebes (June 25).

Nagtakda naman ng public viewing para sa mga labi ni Alabado sa St. Michael, The Archangel Chapel mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 6:30 ng gabi at alas 8:00 ng gabi hanggang alas 10:00 ng gabi.

Magdaraos naman ng Novena Prayer araw-araw hanggang June 28 pero hindi na ito bubuksan sa publiko bilang pagsunog sa guidelines ng IATF.

Maaring makilahok sa Novena Prayer sa pamamagitan ng Facebook Streaming.

 

 

 

Read more...