Mahigit 6,000 OFWs mula Saudi Arabia napauwi na sa bansa

Umabot na sa mahigit 6,000 ang napauwing Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa galing sa Saudi Arabia.

Base ito sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa DFA, sa kabuuan, mula nang magkaroon ng pandemya sa COVID-19 ay 6,342 na Pinoy na mula Saudi Arabia ang nakauwi sa bansa.

Sa nasabing bilang, 4,388 ang ipinroseso ng Philippine Embassy sa Riyadh, habang 1,954 ang ipinroseso ng Phillipine Consulate General sa Jeddah.

Ayon sa DFA, tinatayang 10,000 OFWs mula sa Saudi Arabia na mayroon nang exit visa ang kailangang mai-repatriate.

Ibig sabihin hanggang sa katapusan ng Hulyo ay mayroong mahigit 4,000 pang OFWs mula Saudi Arabia ang darating sa bansa.

 

Read more...