Mahigit 100 miyembro ng PNP-SAF dumating na sa Cebu City

Dumaong na sa Aduana Wharf sa Cebu City ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) lulan ang mahigit 100 miyembro ng Special Action Forice (SAF) ng Philippine National Police (PNP).

Dumating sa Cebu City ang barko, ngayong araw ng Biyernes, June 26.

Pagdating sa pantalan, bumaba na ang 108 miyembro ng PNP-SAF.

Ibinaba din ang mga kargamentong naglalaman ng medical supplies para sa mga frontline health worker ng lungsod.

Ang karagdagang PNP – SAF personnel na itinalaga sa Cebu City ay tutulong sa pagpapalawig ng operasyon ng kapulisan sa lugar, na kasalukuyang nakasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ).

 

Read more...