Ilang miyembro ng LGBTQIA+ community na nag-rally sa Mendiola dinakip ng mga pulis

Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang ilang miyembro ng LGBTQIA+ community na nagsagawa ng kilos protesta Mendiola, Maynila laban sa Anti-Terrorism Bill.

Bago magkaroon ng tensyon, pinayagang makapagsagawa ng kilos protesta ang grupo.

Tinatayang 30 miyembro ng LGBTQ+ ang inaresto ng mga pulis.

Ito ay dahil sa paglabag nila sa mass gathering ngayong may umiiral na general community quarantine sa Metro Manila.

 

 

 

Read more...