Ayon kay Dr. Mutya Kismet Tirol-Macuno, medical center chief II ng Governor Celestino Gallares Memorial Hospital (GCGMH), tumalon ang pasyente sa bintana ng CR sa isa sa mga isolation rooms sa COVID-19 Wing ng ospital.
Ligtas naman ang pasyente at hindi nagtamo ng sugat o bali sa katawan.
Mayroong respiratory problem ang pasyente kaya naka-admit ito sa COVID-19 Wing.
Ayon kay Macuno, “isolated case” ang nangyari at patuloy nilang tinitiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasyente.
MOST READ
LATEST STORIES