Hall of Justice ng Taguig City sarado hanggang July 9

Sasailalim sa temporary closure ang Taguig Hall of Justice hanggang sa July 9.

Sinimulan ang pagsasara sa Hall of Justice kahapon, June 25 matapos na ilang empleyado ng korte ang matukoy na posibleng nagkaroon ng exposure sa COVID-19 patient.

Magpapatuloy naman ang operasyon ng korte online gaya ng virtual hearings at virtual raffle ng mga kaso.

Katuwang ang City Epidemiology and Disease Surveillance Unit at Safe City Task Force magpapatupad ng safety protocols at swab tests sa mga hukom at empleyado ng Hall of Justice.

Lahat ng staff ng korte ay sasailalim sa self-quarantine habang umiiral ang closure.

 

 

Read more...