Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 40,000

Mahigit 40,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos sa nakalipas na magdamag.

Sa pinakahuling datos, ang US ay mayroon nang mahigit 2,504,000 na kaso ng COVID-19.

Umabot naman na sa mahigit 126,700 ang bilang ng mga nasawi sa Estados Unidos.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng 600 na panibagong bilang ng nasawi.

Mayroong mahigit isang milyon naman na ang naka-recover sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 1.3 million na aktibong kaso.

 

 

Read more...