Dalawa arestado sa buy-bust sa Parañaque City; mahigit P417K na halaga ng shabu ang nakumpiska

Aabot sa mahigit P417,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Pasay at Parañaque City Police Stations operasyon sa Tramo St. kung saan nadakip ang mga suspek na sina Andrew Puelong, 40 anyos at Zade Bugasto, 49 anyos.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng P7,500 na halaga ng shabu kay Puelong.

Nang maiabot ang ilegal na droga ay agad itong inaresto.

Nakumpska sa kaniya ang aabot sa 61.38 na gramo ng shabu.

Nakuha din sa mga suspek ang ginamit na buy-bust money, digital weighing scale, at dalawang cellphone.

 

 

Read more...