25 volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon sa magdamag

Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 25 na volcanic earthquake sa Mt. Kanlaon.

Ayon sa Volcano Bulletin ng Phivolcs, nakapagtala din ng moderate emission ng kulay puting steam-laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa hanggang 200 meters.

Noong June 24 ang sulfur dioxide mula sa Bulkang Kanlaon ay nasukat sa average na 237 tonnes/day.

Nananatili sa alert level 1 ang Mt. Kanlaon na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.

Paalala ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan bawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

 

 

Read more...