Apat na miyembro ng Daulah Islamiyah patay sa engkwentro sa Parañaque

(UPDATE)

Apat na hinihinalang miyembro ng ISIS-inspired group na Daulah Islamiyah ang nasawi sa shootout sa Parañaque City.

Nangyari ang insidente sa operasyon ng mga sundalo at pulis Biyernes (June 26) ng umaga.

Ayon kay Parañaque police chief Col. Robin Sarmiento ang mg nasawing suspek ay sina Bensaudi Sali, 37; Merhama Abdul Sawari, 40; Rasmin Hussin; at Jamal Kamiling.

Ayon kay Sarmiento si Sali ay hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Nagtungo sa bahay ni Sali ang mga otoridad sa Barangay Don Bosco para isilbi ang search warrant alas 12:26 ng madaling araw.

Ang search warrant ay inisyu ng Parañaque Regional Trial Court Branch 258 para sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Pero nauwi sa palitan ng putok ang operasyon.

Sugatan din sa insidente si Police Corporal Ehrol Gamboa ng Regional Special Operations Group ng NCRPO.

Nakuha sa bahay ang dalawang ISIS flags, mga bala, 2 granada, improvised firing device, at mga baril.

 

 

Read more...