Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

By Rose Cabrales June 26, 2020 - 07:16 AM

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.09 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (June 26) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 188.14 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.90 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 101:00 habang bahagyang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 75.81 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 75.78 meters.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Pantabangan Magat at Caliraya dams, nanatili naman ang antas ng tubig ng Binga dam sa 569.82 meters habang nadagdagan ang antas ng tubig ng Ambuklao at San Roque dams.

 

 

TAGS: Angat Dam, dam status, Pagasa, Water supply, Angat Dam, dam status, Pagasa, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.