Comelec, pinaglalabas ng posisyon sa nalalapit na Pacquiao-Bradley rematch

AP photo
AP photo

Hiniling ni dating Akbayan Party List Representative Walden Bello sa Commission on Elections o Comelec na magpalabas ng posisyon kaugnay sa nalalapit na laban ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao kay Timothy Bradley.

Sa anim na pahinang petisyon ni Bello, nais nito na maglabas ng interpretasyon ang komisyon kaugnay sa nilalaman ng Fair Elections Act hinggil sa magaganap na laban ni Pacquiao sa buwan ng Abril na pasok sa panahon ng pangangampanya.

Kuha ni Erwin Aguilon

Dapat daw ikunsidera ng Comelec ang mga sirkumstansya dahil kandidato si Pacquiao bilang senador at magiging ‘advantage’ ito para sa pambansang kamao dahil tiyak na ico-cover ng media ang laban.

Sinabi ni Bello na sa ilalim ng batas dapat bigyan ng media ng parehong oras o espasyo ang bawat kandidato kaya dapat maglabas ng posiyon ang Comelec sa usapin.

Pinaglalabas din ni Bello ang poll body ng pananaw kaugnay sa batas na maaring malabag ng media network na paulit-ulit na magpapalabas ng laban ng pambansang kamao.

Read more...