BREAKING: Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 33,069

Photo grab from DOH Facebook video

Nadagdagan pa ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (June 25), umabot na sa 33,069 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na 778 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 415 ang “fresh cases” habang 363 ang “late cases.”

Nasa walong pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,212 na.

Ayon pa sa DOH, 255 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 8,910 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...