19,949 pang OFW, nagnegatibo sa COVID-19

Halos 20,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang lumabas na negatibo sa COVID-19, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Base sa datos, nasa 19,949 ang negatibo batay sa isinagawang RT-PCR test ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs mula June 12 hanggang 24.

Ayon sa PCG, kabilang sa datos ang mga OFW at non-OFW.

Inabisuhan naman ang mga returning overseas Filipino na kabilang sa listahan na makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa quarantine facility para sa pagproseso ng pag-uwi sa kani-kanilang probinsya.

Ibibigay naman ang quarantine clearances sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Read more...