Halaga ng nautang ng Pilipinas, umabot na sa higit P5.7-B

Photo grab from PCOO Facebook video

Pumalo na sa 5.758 billion US dollars ang nautang ng Pilipinas.

Ito ay para tugunan ang pangangailangan sa pagresponde sa COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, galing ang utang sa Asian Development Bank, World Bank at Asian Infrastructure Investment Bank.

Una nang sinabi ni Roque na hindi kaagad nakukuha ang pera sa mga inuutang dahil dadaan pa ito sa mahabang proseso.

“Meron na po tayong naiutang na $5.758B, ‘yan po ang sumatutal ng ating naiutang na para sa COVID responses. Ito po ay galing sa ADB, ito po ay galing sa World Bank, ito po ay galing sa, kung di po ako nagkakamali, meron din pong AIIB,” ayon kay Roque.

Read more...