Metro Manila at ilang lugar, uulanin sa susunod na mga oras

Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at iba pang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:02 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Batangas, Tarlac, Nueva Ecija, Rizal, Laguna at Quezon.

Uulanin din ang Santa Cruz, Zambales; Limay at Mariveles, Bataan; Candaba, Pampanga.

Maaapektuhan din ng pag-ulan ang Bulacan partikular ang San Miguel, San Ildefonso, Doña Remedios Trinidad, Norzagaray at Santa Maria; Cavite sa Trece Martires, Ternate, General Trias at Maragondon.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...