DENR compound isinailalim sa lockdown; 2 empleyado nagpositibo sa COVID-19

Dalawang tauhan ng Department of Environment and Natural Resources-Environment Management Bureau (DENR-EMB) ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, iniutos na ni Environment Secretary Roy Cimatu na isailalim sa lockdown ang buong DENR compound sa Quezon City.

Ayon kay Antiporda, isasailaim sa sanitation ang pasilidad.

Ayon kay Antiporda, mula sa tanggapan ng executive director ng EMB nakatalaga ang dalawang nagpositibong staff.

 

 

Read more...