DepEd nanawagan sa mga pribadong paaralan na ipagpaliban ang tuition hike

Nananawagan ang Department of Education (DepEd) sa pamunuan ng mga pribadong paaralan na ipagpaliban muna ang pagtaas ng matrikula para sa schooy year 2020-2021.

Ayon sa DepEd ito ay bilang konsiderasyon sa mga magulang at mag-aaral na humaharap sa problemang pinansyal ngayong mayroong pandemiya.

Ayon sa DepEd, nauunawaan nila ang pangangailan na ma-sustain ang mga gastusin ng mga pribadong paaralan.

Gayunman, umaasa ang DepEd na ikukunsidera ng pamunuan ng mga private institutions ang nararanasang financial difficulties ng maraming pamilya sa ngayon.

Apela ng DepEd, dapat atingtiyakin na ang edukasyon ay mananatiling abot-kamay at dekalidad para sa lahat ng mag-aaral.

 

 

Read more...