Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA alas 11:56 ng umaga ng Huwebes (June 25) katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Nueva Ecija, Zambales at Bulacan.

Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagkakaroon ng flash floods lalo na sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Maari ding magkaroon ng landslides sa bulubunduking mga lugar.

 

 

Read more...