HRET office sa QC isinailalim sa lockdown

Isinailalim sa lockdown ang opisina ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) sa Quezon City.

Ayon kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen iniutos niya ang pagpapatupad ng 14 na araw ng lockdown sa HRET premises.

Habang naka-lockdown ay sasailalim sa quarantine ang lahat ng tauhan ng HRET.

Ito ay dahil sa umano ay posibleng kaso ng COVID-19 sa HRET.

Paiiralin naman ang work from home sa mga essential staff.

Noong nakaraang linggo ay nagsagawa ng rapid tests para sa COVID-19 sa mga empleyado ng HRET.

 

 

Read more...