2 opisyal ng barangay sa Albay nasawi sa pananambang

Dalawang opisyal ng barangay sa lalawigan ng Albay ang nasawi sa pamamaril.

Nangyari ang pananambang sa bayan ng Jovellar.

Kinilala ang mga nasawi na sina Arthur Clemente, 41 at barangay kagawad at si Edel Brano Moina, 57 na barangay treasurer.

Ang dalawa ay kapwa opisyal sa Barangay San Isidro.

Sa ulat ng Jovellar Police, nag-iinuman ang mga biktima sa bahay ng isang Sonny Medravillo nang dumating ang dalawang suspek at sila ay pinagbabaril.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa pananambang.

 

 

Read more...