Mahigit 200 Pinoy mula UAE dumating sa bansa

Mayroong mahigit 200 pang Pinoy mula sa United Arab Emirates ang dumating sa bansa kahapon.

Ang 222 na mga Pinoy ay kabilang sa mga humiling sa pamahalaan na maisailalim sila sa repatriation matapos maapektuhan ng pandemic ng COVID-19.

Ang mga Pinoy na dumating ay lulan ng special Etihad commercial flight.

Sila ay agad kinuhanan ng swab test pagdating sa bansa.

Sa sandaling magnegatibo ay papayagan na silang umuwi sa kanilang pamilya.

 

 

Read more...