Ang naturang weather system ay maghahatid ng mainit at maalinsangang panahon ngunit maari din itong magdulot ng malakas na pag-ulan sa hapon o gabi.
Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, ang eastern Visayas, Caraga at Davao Region ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa easterlies.
Babala ng PAGASA, ang biglaang malalakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flash floods o landslides.
Sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa, magiging maalinsangan din ang panahon na mayroon lamang isolated na mga pag-ulan sa hapon o gabi.
Sa susunod na tatlo hanggang limang araw, wala namang inaasahang bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility.