Bilang ng enrollees umabot na sa mahigit 14.2 milion – DepEd

Umakyat na sa mahigit 14 million ang mga nakapag-enroll na mag-aaral sa buong bansa.

Ayon sa Department of Education (DepEd) simula noong June 1 hanggang kahapon June 24 ay mayroon nang 14,284,441 na nakapag-enroll na mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 12.

Sa nasabing bilang, 13,743,091 na learners ang nag-enroll sa public schools at 529,995 ang nag-enroll sa private schools.

Isinasagawa ang enrollment sa mga pampublikong paaralan sa pamamagitan ng text, call, email, at online messaging.

 

 

Read more...