Japan niyanig ng magnitude 5.9 na lindol

Tumama ang malakas na lindol sa Japan kaninang (June 25) madaling araw.

Ayon sa US Geological Survey, magnitude 5.9 ang lindol na ang epicenter ay naitala sa 41 kilometers southeast ng Hasaki sa Chiba Prefecture alas 3:47 ng madaling araw oras sa Pilipinas.

May lalim itong 25 kilometers.

Sa datos naman ng Japan Meteorological Agency. 6.2 ang magnitude ng pagyanig.

Wala namang itinaas na tsunami warning dahil sa naturang lindol.

 

 

Read more...