Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna nasa 157 na

Nadagdagan ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Miyerkules, June 24, 3PM), nadagdagan ng 1 ang active cases sa lalawigan kaya ito ay nasa 157.

Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:

San Pedro (Larger Community) – 14
San Pedro (BJMP) – 28
San Pedro (PNP) – 16
Biñan (Larger Community) – 27
Biñan (PNP Custodial Facility) – 2
Biñan (BJMP) – 1
Santa Rosa – 30
Calamba – 13
Cabuyao – 9
San Pablo – 6
Santa Cruz – 3
Pila – 1
Bay – 1
Calauan – 2
Alaminos – 1
Nagcarlan – 1
Pagsanjan – 1
Cavinti – 1
Siniloan – 1

Nanatili sa 43 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan.

Ang bilang naman ng nakarecover na ay nanatili sa 450 kung saan nadagdagan ito ng 3.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 650.

Samantala, nasa 1,524 naman ang bilang ng suspected cases at 78 ang probable cases.

 

 

Read more...