Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig City, 721 na

Nadagdagan ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Taguig City.

Sa inilabas na update dakong 8:45, Miyerkules ng gabi (June 24), nasa kabuuang 721 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Naitala ang mga bagong kaso sa Calzada, Fort Bonifacio, Ibayo Tipas, North Signal, Tuktukan at Ususan.

Pinakaraming naitalang kaso ng nakakahawang sakit sa bahagi ng Barangay Fort Bonifacio na may 83 cases.

Narito ang datos sa iba pang barangay sa Taguig:
– Bagumbayan – 17
– Bambang – 14
– Calzada – 28
– Hagonoy – 10
– Ibayo-Tipas – 27
– Ligid-Tipas – 20
– Lower Bicutan – 74
– New Lower Bicutan – 30
– Napindan – 4
– Palingon – 1
– San Miguel – 16
– Sta. Ana – 19
– Tuktukan – 15
– Ususan – 44
– Wawa – 12
– Central Bicutan – 18
– Central Signal – 14
– Katuparan – 6
– Maharlika Village – 16
– North Daang Hari – 41
– North Signal – 12
– Pinagsama – 46
– South Daang Hari – 28
– South Signal – 23
– Tanyag – 7
– Upper Bicutan – 42
– Western Bicutan – 54

Samantala, 3,753 ang itinuturing na suspected cases sa nasabing lungsod.

Nasa 142 pa ring residente ang gumaling na sa nakakahawang sakit habang 21 pa rin ang pumanaw na.

Read more...