49 porsyento ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City, gumaling na

Nasa 49 porsyento ng kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Navotas City ang gumaling na.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, halos kalahati na ang gumaling, kasama ang 10 pasyente na nakauwi na sa kani-kanilang bahay, araw ng Miyerkules (June 24).

Sa huling datos hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (June 24), umabot na sa 214 ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Samantala, 15 naman ang panibagong tinamaan ng pandemya sa Navotas.

Dahil dito, umakyat pa sa 431 ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod kung saan 173 ang aktibo.

“Para po hindi mahawaan ng sakit, maliban sa pagsunod sa mga safety measures, kailangan din nating palakasin ang ating katawan. Dapat kumain tayo ng gulay at iba pang masusustansyang pagkain, magkaroon ng sapat na tulog, at mag-ehersisyo nang regular,” paalala ng alkalde sa mga residente.

Nasa 44 naman ang nasawing residente sa lungsod bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...