Manny Pacquiao sasampahan ng DQ case sa Comelec

(AP Photo/Frank Franklin II)
(AP Photo/Frank Franklin II)

Tuluyan nang hihilingin sa Commission on Elections (Comelec) ang disqualification ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa pagtakbo sa pagka-Senador.

Magsasampa ngayong araw ng disqualification case laban kay Pacquiao si dating Representative Walden Bello.

Ito ay matapos na manindigan ang kampo ng pambansang kamao na ituloy ang laban nito kay Timothy Bradley sa buwan ng Abril.

Ayon kay Bello, personal siyang magtutungo sa Comelec para isampa ang kaso.

Unang iginiit ni Bello na labag sa Comelec rules ang rematch ni Pacquiao at Bradley dahil magbibigay ito ng bentahe sa pambansang kamao na tumatakbong senador.

Magaganap kasi ang laban sa kasagsagan ng panahon ng kampanya at magkakaroon ng libreng air time si Pacquiao sa telebisyon at radyo dahil tiyak namang ico-cover ng media ang laban.

Read more...