“Pondo ng 5 presidentiable kanino galing?” sa ‘Wag kang Pikon ni Jake Maderazo

Santiago-Duterte-Binay-Roxas-and-Poe-presidential-debateNAGHAMON si Liberal Party candidate Mar Roxas sa mga kalaban, lalo na sa kampo ni Sen. Grace Poe, na ilabas ngayon kung saan galing ang mga pondong ginagastos nila sa pa-ngangampanya.

Sabi ni Roxas, sariling pera niya ang ibinabayad sa mga eroplano at helicopter at hindi galing sa pondo ng gobyerno. Ito’y kahit sinasabi ng journalist na si Jarius Bondoc na libre ito mula sa kaibigan niyang si Eric Gutierez, may-ari ng SR metals na maraming “legal issues” sa gobyerno at kasosyo ng LP spokesman at Cong. Egay Erice.

Sagot ni Sen.Chiz Escudero, pagkatapos ng elekyon nila sasabihin kung sinu-sino ang kanilang mga financiers kapag naisumite na lahat sa Commission on Elections (Comelec).

Ang ganitong mga hamunan ay nagbubukas ng maraming tanong sa taumbayan. Sino ang nagbayad ng mga tv ads ng mga kandidato bago pa magsimula ang kampanya?
Ayon sa report ng AC Nielsen, sa taong 2015 (Jan-Dec.) Si Roxas ang may pinakamalaking ginastos sa political ads-P774.19 milyon. Sumunod si Vice President Jojo Binay na may P695.5 milyon at Poe na P694.6 milyon habang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay may ginastos na P129.5 milyon. Naroon din sa report si Sen. Alan Cayetano na gumastos naman ng P398.3 milyon.

Maliwanag dito na si Roxas ang may pinakamaraming TV Ads at sa kabila nito, hindi naman siya umaangat sa survey. At si Binay, bagamat “frozen” ang kanyang mga kayamanan ay tuloy ang kanyang mga financiers sa pagtulong. Bulung-bulu-ngan naman na si Poe ay ginagastusan ng isang “malaking conglomerate businessman”.

Kaya naman ang tanong, galing ba sa mga vested interest groups ang pondo ng mga kandidato na pinangakuan ng negosyo o pwesto o pabor kapag sila ay nanalo. Kung sa legal galing lahat iyan, kanino naman napupunta ang galing sa ilegal katulad ng “rice at agriculture smuggling sa Customs,” “human trafficking” sa immigration, “illegal drugs,” “illegal gambling” at iba pa?

Kung susuriin, ang bawat 30-second commercial sa “primetime” ay P997,000 o halos P1 mil-yon. At sa “non-primetime” ay P831,000.

Sa totoo lang, nalulungkot ako kapag nag-eere na ang political ads. Alam niyo ba na ang isang 63 square meters na “classroom” na may dalawang pinto, blackboard at toilet ay nagkakahalaga lamang ng P323,000 ayon sa Fede-ration of Filipino Chinese Chamber of Commerce (FFCCI)?
Ibig sabihin po nito, sa bawat tv commercial nina Roxas, Poe, Binay at Duterte, tatlong “classroom” ang hindi napapagawa. At kung P2.5 bilyon ang kanilang binayarang TV ad nitong 2015, aabutin ng 7,738 bagong classrooms sana ang naipagawa para sa mga estudyante.

Sayang talaga ang pera na ngayo’y bumabaha sa pagsisimula ng opisyal na kampanya. Bulung-bulu-ngan sa political circles na tumanggap daw ng ayudang tig-P1-M ang 70 go-bernador na tinawag sa pulong ng isang partido kamakailan. At nang pulu-ngin naman ang mahigit 1,400 na municipal ma-yors, tig –P100,000 na ayuda raw ang kumalat.

May pangako pang kapag nanalo ay tatanggap ang bawat munisipyo ng P100-M na ayuda sa tinatawag nilang BUB. Talagang bumabaha ang pera mula sa mga kandidato at sana, hindi makalimutan ang mga importanteng isyu ng bayan ngayon. Huwag nating hayaan na “eleksyon lang magkakapera pero anim na taon tayong magdurusa”.

Para sa komento o reaksyon, mag-text sa 09178052374 o kaya ay mag e-mail sa inquirerbandera2016@gmail.com

Read more...