Base sa ulat, tatlong Chinese ang naaresto at sila ay kinilalang sina Zhang Yong, 48-anyos; Lai Jin Cheng Yuan, 29-anyos at Yin Yuan Sheng, 33-anyos, pawang nanunuluyan sa JKL Building sa Guanzon street.
Nabatid na mismong ang may-ari ng gusali ang nagsumbong sa pulisya ukol sa ilegal na aktibidad ng kanyang mga banyagang tenant.
Sa ikawalong palapag, nadiskubre ang ‘showroom’ ng mga babae na nag-aalok ng panandaliang aliw, samantalang sa rooftop naman ng gusali nakita ang mga kuwarto.
Nakadiskubre rin ng mga condom at sex paraphernalia sa ilang kuwarto sa gusali.
Naisasagawa ng mga suspek ang ilegal na gawain sa pamamagitan ng mga lighter na may special markings na ibinibigay sa kanilang mga kliyente.
Sinabi naman ni Police Maj. Gideon Ines, deputy chief for operations, inalok pa siya ng P100,000 ng mga suspek para sa pagsasampa ng mga kaso.
Kayat si Ines ay may hiwalay na reklamo na corruption of public official laban sa tatlong suspek.