Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (June 24), 519 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
679 pulis ang itinuturing na probable cases habang 876 ang suspected cases.
Nakapagtala naman ng tatlo pang pulis na gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, umakyat na sa 316 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Nasa siyam na pulis naman ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
MOST READ
LATEST STORIES